Ang Miss World 1990 ay ang ika-40 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa London Palladium, Londres, Reyno Unido noong 8 Nobyembre 1990. Muling isinahimpapawid ang kompetisyon sa Thames Television simula sa edisyong ito. Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Aneta Kręglicka ng Polonya si Gina Tolleson ng Estados Unidos bilang Miss World 1990. Ito ang pangalawang beses na nanalo ang Estados Unidos bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Siobhan McClafferty ng Irlanda, habang nagtapos bilang second runner-up si Sharon Luengo ng Beneswela. Mga kandidata mula sa walumpu't-isang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall at Michelle Rocca ang kompetisyon. Nagtanghal sina Jason Donovan at Richard Clayderman sa edisyong ito.
Developed by StudentB